"I got a crush on you I hope you feel the way that I do." "All I ever think bout is you, You got me hypnotized, so mesmerized."
Mahaba man ito. Pagtyagaan mong basahin at tyak kong mapapangiti ka.
Kung may tanong ang slumbook na “what is LOVE?”, hindi rin sasablay ang tanong na “who is your CRUSH?” na kadalasan ay SECRET ang sagot ng karamihan. Ano nga ba ang crush? May katuturan ba ang konseptong ito? Ito ba ay pakiramdam, emosyon o isang ideya lamang? May magic ba itong kapartner at may kilig factor nga ba itong souvenir? May age limit ba ito? Bawal bang magtwo time sa iyong official crush? Dapat nga ba itong isikreto o ipagsigawan kaya? Totoo bang ‘di daw normal ang taong walang crush? Isa ba itong mahalagang elemento ng lipunan o ito’y sadyang kalandian lamang?
Kung may evolution ang tao ayon kay Charles Darwin, mayroon din akong version ‘nun. Hindi man based on scientific facts at lab experiments, mga tunay na pangyayari at obserbasyon ko ang aking naging puhunan.
Nung bata pa ako, usong-uso ang mga larong tulad ng 10-20, chinese garter, piko, patintero, at marami pang iba. May isang laro akong natatandaan na ginagamitan ng jumping rope na may kinalaman sa aking teorya ng ebolusyon. May dalawang taya na hawak ang jumping rope sa magkabilang dulo habang may isang tatalon sa gitna at iiwasang maapakan ang lubid. Nalimutan ko ang tawag sa larong ito basta ang alam ko sa last part ng pagtalon, bibigkasin ng sabay sabay ang alphabet, “A! B! C! D! E!….”, isang ikot ng lubid 360 degrees at isang talon ng tumitira sa bawat titik. Sa letter na matatapatan ng pagkataya o ‘yung moment na maapakan na ang lubid, ‘yun daw ang initials ng crush nung batang tumalon. Syempre kahit mga musmos pa lang, may halong kalandian na ang larong ito. Sa karanasan ko, sinasadya kong magpataya sa 1st letter ng crush ko na si Nick Carter. Kunwari inosente, malay ba nila.
Ang walang kamatayan at favorite ng lahat, ang FLAMES at HOPES. Kung hindi ka pamilyar sa larong iyan, ako’y lubusang naaawa sa iyo. Lahat na ata ng taong kageneration ko, ipinaubaya sa FLAMES ang destiny nila. Kahit saang lugar, kahit kailan, kahit sa notebook pa sa Biology, may makikita kang ganito. Maraming naniwala sa kapangyarihan na naidudulot nito, simpleng ngiti, simpleng kilig. Nauso din ‘yung nacocompute mo ang percentage ng compatibility ninyo ng crush mo sa pamamagitan ng bilang ng letters ng full name ninyong dalawa. Mas mahabang proseso ito kaysa sa FLAMES pero marami din ang pumatol dito (ahem..).
Nung bata pa ako, nauso na din ang mga computer games tulad na lamang ng Counter Strike,Yuri's revenge,etc... Dahil may computer shop kami, alam kong kailangan ng username o player’s name o whatever na tawag dun. Bumenta sa akin ang paggamit ng pangalan ng crush ko bilang username. Isa sa mga crush ko na laging naglalaro samin ay si Kuya Jem, kaya ang aking username ay jemsha,jemoxx sa tuwing ako ay naglalaro ng Red Alert. Ang weird nito, pero may kung anong kasiyahan ang naidudulot nito. Oh well. (obserbahan nyo mga pangalan ng mga characters ko sa facebook petsoc,yoville,rockyou,etc.. pati na rin mga pangalan ng pets ko)
Nang mauso ang cellphone at text messaging, naging normal na ang mga text galing sa mga number na hindi registered sa phonebook mo. Ganito lang ang kadalasang laman ng text nila, “Hi (smiley)” o kaya “Hello (smiley smiley)” o kaya “Hi……………” at syempre ikaw naman na nag-aaksaya ng oras magrereply ng “Hu U?”. Nandyan din ang mga text galing sa mga kilala mo naman na naglalaman ng mga out of nowhere na tanong na kunwari ay hindi nila alam ang sagot tulad ng “gud pm, anong page nga ba ‘yung assignment natin sa Math?” o kaya “huy, saan daw isusulat yung summary nung story? Sa yellow paper ba?” kaya naman "may ginagawa ka ba?". Whatever. Pero ang point ko nga pala, ‘yan ang tinatawag na pasimpleng crush.
Sino ba naman ang hindi gumagawa ng paghingi ng SIGN. Naniniwala ka pag pareho kayo ng kulay ng damit kayo'y magkakatuluyan, Pag nakita mo sya ng ganitong oras magiging kayo o kaya'y bawat "gestures" niya sa iyo mula sa pagtawa nya sa korny mong jokes, pagtulong nya sa pagbibitbit ng bag mo, ay agad mong binibigyan ng kahulugan. Ano ba yung last na sign na hinigi ko? ah yung kay Dylan Ababou after nyung dinner with him. " Pag ako nakakita ng puting butterfly within 24 hours may chance na maging kami." aba kinabukan ng umaga nakakita nga ako ng puting paro-paro. Pero naging kami ba? hindi naman diba. Kababawan nga naman ng tao.
Ito ang style na walang kupas, ang mang-asar. Mula pa noon hanggang ngayon, applicable pa rin ito. Basta asahan mo nang ang taong kinaiinisan mo dahil lagi kang inaasar at pinapaiyak at laging sinusugod ng nanay mo after mong magsumbong, crush ka nun. Believe me. So kung trip mong ipangalandakan sa crush mo ang feelings mo, then what are you waiting for? Subukan na ang patience at boiling point niya. Good luck.
Wala ring kupas ang vandalism sa arm chair, upuan sa bus, pader sa kanto at public restrooms. Kadalasan katabi ito ng mga nakakaentertain na vandals ng mga hot na hot na tsismis at issue. Mga tipong dinudugtong mo ang pangalan mo sa apelyido nya (Shari Windsor, Mrs. Shari Cena), "I give you all my love because I truly love you." “I love you (insert name here)” o kaya “Marry me, (pangalan ni crush)” at kung anu ano pang proposals. Minsan may mga reply at second the motion kang mawiwitness na siguradong nakakaaliw basahin.
Syempre nang sumiklab na ang mundo ng internet, nandyan na ang infamous FRIENDSTER, MULIPLY, FACEBOOK at kung anu-ano pang online community. Mas dumali na ang trabaho ng mga taong may matinding pagsinta at sumisiklab ang desire na makapaginvestigate, isang click lang sa friendster, TENEN!!!! full details plus pictures (na pwede mong iprint at ilagay sa wallet). ^o^ eternal happiness.
Maiksi lamang ang teorya kong ito. Alam kong kulang pa ang mga pinagsasasabi ko para mabigyang kulay ang salitang CRUSH. Tinatamad na kong mag-isip at magtype. ^_^ .
Ang CRUSH para ‘yang fireworks, makulay, nakaka-amaze, nakakawow, masarap tingalain, nakakagaan ng loob, nakakapagpasaya, espesyal. Ngunit ganunpaman madali itong mawawala at maglalaho, ilang minutes lang makakaget-over ka kaagad, walang direksyon at patutunguhan, masyadong malayo, masyadong mataas, walang direkta at totoong impact sa realidad, pangpalipas oras lamang, parang sideline ng buhay at higit sa lahat kapag tinitigan at inalayan mo ng mahabang oras, nakakangalay.