Monday, June 27, 2011

Bagyong Falcon at isang pakiwari

Huwebes , Hunyo 23 pabugso bugsong ang ulan hanggang sa sumapit ang hapon tuluyang lumakas ang ulan. Gaano man ito kalakas mang-ahas pa rin kami pumasok sa eskuwelahan. Hindi rin nagtagal sinuspendido ang klase sa UST. 
Kapansin-pansin ang lakas na taglay ng ulan ito ay isa pa lang bagyo na pinangalanang Falcon. Buti na lamang at sinunod ko ang aking intuwisyon na umiwi na sa aking dormitoryo. Ayon na nga baha na sa paligid ng UST.
Dumating ako sa aking dormitoryo na basang-basa. Nagbayad pa ako ng bente pesos para lang hindi lumusob sa baha. 
Bibili sana ako ng aking panghapunan dahil ako'y mahapdi na ang bituka, kidlat sa bilis ang pagtaas ng tubig sa labas. (Buti na lang sagana ang aking food dispenser)
Patuloy ang buhos ng ulan na inakala namin na papasok na sa mga kwarto namin ang tubig. (Salamat sa Diyos at hindi naman)
Hindi maitatanggi na ako' ninenerbiyos,
hindi ko ninanais na makaranas bahain.  Maging ako man ay hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari.


Biyernes, pagmulat ng mata dali-dali akong naligo, mahina pa lang ang ulan 
kaya sinabayan ko ng uwi. Ayoko mastranded sa dorm. 
Habang binabaybay ko ang kaMaynilaan sakay ng bus hindi ko maiwasan ang pagwawari-wari.
Kamusta kaya ung mga nastranded? mga pasahero at motorista na inabot ng baha?
paano na kaya yung mga palayan na binaha? yung mga taong sinasalanta ng bagyo? 
yung mga nasiraan ng bahay? gaano ang itinaas ng mga bilihin? Paano na kaya ang mga kabuhayang naantala, naperwisyo, nasira? Paano kaya ako makakatulong sa mga ginagawang relief operation?
Ang hagupit ng bagyo ay nagdulot ng kawalan ng kuryente, baha, pagkasira ng tahanan at ari-arian. Marami pang naglalaro sa aking isipan. 
Hay! alam ko simpleng panganganinag lamang ito.
Hindi ko na alam ang susunod kong sasabihin.


Ganyan na nga nangyari sa paligid mo. Tapos ano?? hinihiling mo pa rin na sana manatili pa si Falcon para walang pasok. 
Tang*na mo lang!
Bawasan na ang pagiging makasarili at utak-biya. Kaya hindi umsenso Pilipinas.


P.S. Ang mga litrato na nasa taas ay hindi akin. Kredito  sa mga litratista.