Ryan,
Kamusta na ang unang araw ng iyong bakasyon? Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang liham na to. Walang oras na hindi kita naiisip.
Habang ang karamihan sa mga kababaihan ay baliw na baliw sa'yo dahil sa angkin mong kagwapuhan at talento tila wala itong epekto sa akin. Pero tignan mo kung paano maglaro ang panahon. Dahil ngayon higit pa sa baliw ang nadarama ko para sa'yo. Marahil nga’y hindi mo sukat akalain, na sa hindi mo inaasahang sandali ay biglang sumapit itong pahat na liham kong ito, upang ipabatid ko sa iyo ang banal na adhika ng aking puso.
Nagbago ang lahat ng ako ay naimbintahan sa isang party inisip ko agad na kailangan ko ng escort. Hindi kita direktang inimbitahan pero nagulat ako ng sabihin mo sakin "Manghihiram pa ako ng damit." Wala akong plano na pumunta kaya sinabi ko sa'yo "Yes or No lang. Sa'yo nakadepende kung pupunta ba tayo o hindi." Anong gulat ko ng sinabi mong "YES" ng pabulong. Akala mo siguro ay hindi ko narinig yun kaya tinanong kita "sure ka?" umakyat ka na sa kwarto nyo para magbihis. Syempre tayong dalawa ang bida sa party lalo ka na dahil sa subrang guwapo at kisig mo lahat ay napapatingin at yung ibang bisita naman inakala nila na kasintahan kita "How I wish" bulong sa sarili. Nakakatuwang alalahanin pareho man tayong hindi handa pero tayo ay nagpunta pa rin. Kumain ng masarap na pagkain, ulam ang masayang kwentuhan at himagas ang malakas na tawanan. Kinagabihan din yun ng di inaasahan bawat kilos at galaw mo'y aking inaabangan, tahimik na nagmamasid at ang presensya mo ay nais ko laging masilayan. Mas nakakatawang isipin dahil sa salitang "Yes" nagkaroon ng kahulugan at naging kumplikado ang lahat.
Kahapon, habang binubuksan mo ang iyong payong papauwi, sumabay sa ulan, sa patak damdamin ay lumuluha. Maaring yun na ang huli nating pagkikita. Tapos na ang buhay ko sa kolehiyo habang ikaw ay nagsisimula pa lamang. Masasabing magkikita pa rin tayo pero alam ko sa sarili ko na hindi na tayo magiging tulad ng dati. Tulad ng dati na araw-araw nakakasama kumain sa tanghalian at hapunan, kakwentuhan ng kung anu-anong bagay, kabiruan at kalaro. Hindi pa ako handa iwan ang buhay kolehiyo na kinagisnan ko kasama ka pero wala na kong magagawa kundi magbalik tanaw na lang sa ating masasayang alaala at magpatutuloy sa mundong mas malaki kaysa sa apat na sulok ng silid-aralan.
Nais ko sanang isulat ito sa papel at ibigay sa'yo ngunit payo ng isang kaibigan na mas makakabuti kung huwag na lamang. Marahil sa takot na rin na tapatin mo ako sa masalit na katotohanan. Punong-puon ng "What IFs" ang isip ko. Hindi ko alam ba't ba ako natatakot o sadyang ayaw sa katotohanan na magmumula sa'yo. Sana ako ang makahanap ng daan patungo sa'yo pero sa ngayon ‘Kumakapit na lang sa natitirang sana’ kaya lang, palaging ganun na lang ba? Kailan kaya ako magiging matapang, kailan kaya ako magkaka-lakas ng loob na sabihin sa'yo itong tunay na nararamdaman. Wala na ba talaga akong magagawa?
Ganun pa man ako'y umaasa na magkikita pa tayong muli sa susunod nating karera kung saan ako ay isang embahador ng Pilipinas sa Monaco at ikaw ay isa ng ganap na inhinyero. Sana payagan tayo ng tadhana at kapalaran na masabi ko sa'yo ito ng harapan at umaasang bibigkasin mo rin ang mga salitang nais kong marinig. Sana payagan tayo ng tadhana at kapalaran na maituro mo sa akin ang agham ng pag-ibig. Sana pwede, sana.
Your Ms. Right,
Shari